6 mula sa 15 na COVID-19 Patients sa Region 2, Gumaling na!

1929

Cauayan City, Isabela- Nakarekober na sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang anim na nagpositibo sa naturang sakit mula sa 15 na naitalang kaso sa Region 02.

Sa ibinahaging impormasyon ng PIA Region 02, inanunsyo ng DOH 2 na gumaling na sa COVID-19 ang anim na pasyente matapos na magnegatibo ang ikalawang resulta ng kanilang lab tests mula sa RITM.


Ang mga nakarekober ay sina PH275 na kauna-unahang nagpositibo sa rehiyon, PH893, mula sa Tuguegarao City; PH661 mula sa Tuao, Cagayan; PH837 at PH840, parehong taga Alicia, Isabela at si PH1261 na mula sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Habang ang natitira pang 9 na COVID-19 patients ay kasalukuyang nagpapagaling at naka-isolate sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) at Southern Isabela Medical Center (SIMC).

Facebook Comments