6 na aircrew na namatay sa bumagsak na helicopter sa Tarlac, binigyan ng full military honors

Natapos na ng Philippine Air Force (PAF) ang retrieval operations para sa anim aircrew na nasawi sa pagbagsak ng S70i Blackhawk helicopter sa Tarlac nang nakaraang linggo.

Sinabi ni Philippine Airforce Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano, dumating na sa Clark Air Base ang labi ng anim at sila ay binigyan ng full military honors.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay si Philippine Air Force Commanding General Allen Paredes sa pamilya ng mga nasawi.


Kinilala ang mga aircrew na sina:

LTC Rexzon Pasco – Instructor Pilot
MAJ Jayrold Constantino – Student Pilot
MAJ Erano Belen – Student Pilot
Msgt. Ronnie Reducto – Instructor Scanner
Tsg. Maricar Laygo PAF – Student Scanner
Sgt. Leonardo V Tandingan PAF – Student Scanner

Bukod kay Paredes, nagpaabot na rin ng kanyang pakikiramay si National Defense Sec. Delfin Lorenzana at binisita ang burol ng anim na nasawi.

Tiniyak ng pamunuan ng PAF na matatanggap ng mga naulila ang tulong at suportang pinansyal para sa kanila.

Sa kasalukuyan, grounded pa rin ang lahat ng blackhawk ng PAF habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Facebook Comments