6 na alkalde, kinasuhan ng administratibo sa Ombudsman

Manila, Philippines – Sinampahan ng kasong administratibo ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman ang anim na alkalde mula sa iba’t-ibang lugar.

Ito ay matapos umanong mabigo ang mga ito na tumalima sa pagbuo ng Local Anti-Drug Abuse Councils (ADAC).

Personal na ihain ni Interior Assistant Secretary Ricojudge Echiverri sa anti-graft body ang reklamo laban kina:


Donsol, Sorsogon Mayor Josephine Cruz

Bucloc, Abra Mayor Gybel Cardenas

Hingyon, Ifugao Mayor Geraldo Luglug

Claveria, Masbate Mayor Froilan Andueza

Mandaon, Masbate Mayor Krisitine Hao-Kho

Magallanes, Agusan del Norte Mayor Demosthenes Arabaca.

Ayon kay Echiverri, aabot sa 800 local chief executives pa ang nakatakdang sampahang kaso ng DILG kaugnay ng parehong paglabag.

Una nang ipinag-utos ng DILG sa mga barangay officials na bumuo ng ADAC na tututok sa pagsugpo ng mga kaso ng iligal na droga sa kanilang komunidad.

Facebook Comments