Nagpapatuloy ang presscon ng Philippine Health Insurance Corp., o PhilHealth sa Pasig City, kung saan inanunsiyo ngayon ang handog ng PhilHealth na anim na bago at enhanced na health package para sa Pilipino ngayong 2025.
Kabilang sa anim ay ang package para sa:
Heart Disease
Peritorial Dialysis
Kidney Transplantation
Oral Health Service
Outpatient Emergency Care Benefit
50 Percent Adjustment in Case Rate Packages
Nilinaw ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr., na ang mga nabanggit na bago at enhanced packages ay hindi magdudulot ng dagdag sa contribution ngayong 2025 at sa mga susunod pa taon.
Nakiusap din si Ledesma sa 12,600 partners na health facilities sa buong bansa sa pagpapatupad ng mandato ng Universal Health Care Act sa no co-payment policy na dapat ay hinde na madagdagan ang mga miyembro ng PhilHealth lagpas sa coverage para sa benefit package ng PhilHealth.
Dinaluhan din ito ng ilang mga pinuno mula sa Philippine Hospital Association, Philippine Medical Association, Integrated Midwives Association of the Philippines at Citizen Watch Philippines.