6 na bagong Sasakyan, Tinanggap ng ilang Police Station sa Region 2

61

Cauayan City, Isabela-Ipinasakamay na ang bagong bili na mga sasakyan sa anim (6) na himpilan ng pulisya sa rehiyon dos.

Nagmula ang nasabing mga sasakyan sa PNP National Headquarters kung saan tatlo (3) istasyon ng pulisya sa Cagayan ang nabigyan, isa (1) sa Isabela habang dalawa (2) sa Quirino.


Ayon kay PRO2 Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves, ang mga nasabing sasakyan ay makakatulong upang mapalakas ang pagpapatrolya ng kapulisan laban sa kampanya kontra kriminalidad.

Samantala, pinangunahan din ng opisyal ang groubndbreaking ceremony sa gagawing konstruksiyon sa PRO2 Premier Guest House sa bahagi ng Maringal Center for Excellence.

Ang nasabing dalawang palapag na pasilidad ay mayroong walong (8) bedroom guest house na may sukat na 604 square meters at tinatayang nagkakahalaga sa kabuuang P8.9 million.

Ito ay upang magsilbing lugar para sa mga sibilyan at personnel na magkakaroon ng business transaction sa loob ng Regional Headquarters.




Nagmula naman sa Philippine National Police Academy Alumni Association Incorporated (PNPAAAI) ang inisyal na pondong ginamit sa nasabing pagpapatayo.

Facebook Comments