6 na barangay sa Antipolo, Rizal, makararanas ng water service interruption sa March 28-29

Abiso sa mga customer ng Manila Water sa Antipolo City, Rizal.

Magpapatupad ang water service interruption ang Manila Water sa anim na barangay sa Antipolo City, Rizal simula March 28 hanggang 29, 2023.

Ito ay upang bigyang-daan ang pagkukumpuni ng tagas sa Langhaya Bridge sa kahabaan ng Marcos Highway sakop ng Barangay Inarawan.


Apektado nito ang nasa 15,110 na mga bahay sa mga barangay ng Dela Paz, Bagong Nayon, San Luis, San Isidro, San Juan, at Inarawan.

Mawawala ang suplay ng tubig simula alas-9:00 ng gabi ng Martes hanggang alas-7:00 ng umaga ng Miyerkules.

Kaugnay nito, pinayuhan ng Manila Water ang kanilang customer na mag-ipon ng sapat na tubig.

Facebook Comments