6 na baybaying-dagat sa Eastern Visayas, nagpositibo sa red tide toxin

Nagpositibo sa red tide toxins ang mga shellfish meat sample mula sa ilang dagat sa Eastern Visayas region.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang sa mga nagpositibo sa red tide toxins ay ang mga sumusunod:

1. Carigara Bay sa Leyte (Capoocan, Carigara, Barugo, San Miguel, and Babatngon);
2. Coastal waters ng Leyte;
3. Cambatutay Bay sa Tarangnan, Samar;
4. San Pedro Bay sa Basey, Samar;
5. Matarinao Bay sa Eastern Samar (General MacArthur, Hernani, Quinapondan, and Salcedo);
6. Villareal Bay rin sa Samar


Kaugnay nito, pinayuhan ng BFAR ang publiko na iwasang kumain ng anumang uri ng shellfish, alamang o hipon mula sa mga nabanggit na dagat para hindi malison.

Ligtas namang kainin ang mga isda at iba pang lamang-dagat pero dapat itong linisin at lutuing mabuti.

Facebook Comments