6 na baybaying-dagat sa Visayas, Mindanao, positibo sa red tide toxin – BFAR

Nagpositibo sa red tide toxin ang ilang baybaying-dagat sa ilang probinsya sa Visayas at Mindanao.

Sa abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ipinagbabawal muna ang panghuhuli ng lahat ng klase ng shellfish at alamang sa coastal waters ng:

 Milagros, Masbate
 Panay, President Roxas, at Pilar sa Capiz
 Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
 San Pedro Bay sa Samar
 Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
 Lianga Bay sa Surigao del Sur


Ligtas pa rin namang kumain ng isda, pusit, hipon at alimango basta’t sariwa, hinugasang mabuti, at inalisan ng hasang at bituka bago lutuin.

Facebook Comments