Ipinagkaloob ng United States Anti-Terrorism Assistance ang anim na bomb Disposal robots sa Philippine National Police (PNP).
Pinangunahan mismo ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang pag-turnover sa mga ito sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Tinawag ang mga robot na Bomb Removal Automated Vehicle (BRAVE) kung saan dinevelop ang mga ito sa pakikipagtulungan ng De La Salle University students sa ilalim ni Dr. Elmer Dadios, Head Professor ng Robotics Engineering.
Ani Acorda, ang mga bomb disposal robot ay magandang ehemplo ng international cooperation sa paglaban sa terorismo at testamento ng commitment sa technological advancement sa larangan ng law enforcement.
Magagamit din aniya ang mga bomb disposal robots lalo na’t kahapon ay muling binulabog ang ilang ahensya ng pamahalaan at mga paaralan ng bomb threat.