6 na delinquent employer sa Taguig City, sinilbihan ng notice of violation ng SSS

Anim na business establishment ang inisyuhan ng notice of violation ng Social Security System (SSS) sa isinagawang Run After Contribution Evaders (RACE) operation sa Taguig City.

Dalawa sa mga establishment ay pharmacy at household appliances retail store.

Inatasan ng SSS ang mga ito na i-settle ang kanilang contribution delinquencies sa ahensya.


Ayon sa SSS, nabigo ang mga ito na i-remit ang contributions ng kanilang mga manggagawa at ang hindi paggawa ng records.

Abot sa ₱3.4 million na contributions at penalties ang hindi nabayaran ng mga employer sa ahensiya.

Binigyan lamang sila ng 15 araw para ayusin ang kanilang contribution delinquencies sa SSS Bicutan-Sun Valley Branch.

Paglilinaw ng SSS na nilabag ng mga employer ang Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018 na may katapat na kaparusahan.

Facebook Comments