
Tiniyak ng Department of Interior and Local Government o DILG na walang special treatment sa anim na mga opisyal ng DPWH-MIMAROPA na isinasangkot sa iregularidad sa ₱289.5 milyong halaga ng proyekto para sa flood control sa Naujan, Oriental Mindoro na kinontrata ng Sunwest Inc.
Sinabi ni DILG Sec. Jonvic Remulla, titira sa general prison population ang anim na opisyal matapos maglabas ang Sandiganbayan ng commitment order para dito ipiit ang mga akusado.
Magiging piitan ng anim ang isang selda sa New Quezon City Jail, Brgy. Payatas, Payatas Rd., Quezon City.
Kabilang sa mga ididitine sa pasilidad sina Engineer Dennis Abagon, dating OIC-Chief For Quality Assurance And Hydrology Division at kasalukuyang OIC-Chief for planning and design division ng DPWH-MIMAMORA, Gerald Pacanan, Gene Ryan Alurin, Ruben Delos Santos, Dominic Gregorio at Felisardo Sevare.
Dinala naman sa Kampo Karingal sa Quezon City ang isang babaeng sangkot din sa maanomalyang proyekto.









