6 na electric cooperatives, nananatili pa ring nasa ‘total interruption’ dahil sa pananalasa ng Bagyong Uwan

Bumaba sa anim na electric cooperatives ang nakararanas ng blackout matapos na maapektuhan ng hagupit ng Super Typhoon Uwan ayon sa National Electrification Authority (NEA).

Batay sa inilabas na ulat ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD), ang nasabing bilang ng apektadong ECs ay nasa ilalim pa rin ng ‘total interruption’.

Samantala, dalawang ECs naman ang inilipat sa partial power interruption status matapos ang patuloy na isinasagawang restoration sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Ang mga EC na ito ay IFELCO sa Ifugao at CANORECO sa Camarines Sur.

Habang tatlong ECs naman ang nasa normal nang operasyon.

Kaugnay nito, umabot sa mahigit 24 milyong piso ang inisyal na halaga ng pinsala ng electrification facilities sa mga lalawigan bunsod ng pananalasa ng nagdaang bagyo.

Facebook Comments