Kinumpirma ng COMELEC – Office for Overseas Voting na 6 na embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa ang hindi nakapagsimula ng overseas absentee voting kahapon, April 10.
Ito ay dahil sa naantala ang pagdating doon ng election materials.
Kabilang sa mga embahadang ito sa Wellington, New Zealand; Dili, Timor-Leste at Islamabad, Pakistan gayundin sa Philippine Consulate General sa Shanghai, China; Milan, Italy at New York, USA.
Kaugnay nito, itinakda na lamang ng Philippine Consulate General sa New York, ang final testing at pagseselyo ng vote counting machines sa April 13,2022.
Tiniyak din ng Konsulada ng Pilipinas na agad nilang ipapadala sa Filipino community ang mga balota.
Facebook Comments