6 na hinihinalang holdaper, patay sa pakikipag-engkwentro sa mga pulis sa Antipolo City

255

Nasawi ang anim na indibidwal matapos makipagbarilan sa mga pulis na nakatalaga sa Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at Rizal Provincial Police Office (PPO) sa Marcos Highway sakop ng Sitio Boso-Boso, Brgy. San Jose, Antipolo City.

Batay sa impormasyong nakarating sa Camp Crame, ang mga ito ay mga hinihinalang holdaper at hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.


Tinangka umano nilang mangholdap ng isang gasolinanahan nang matyempuhan sila ng mga nagpapatrolyang pulis pasado ala-1:00 ng madaling araw.

Pinaputukan ng mga suspek ang pulis at nagkaroon ng habulan hanggang sa umabot sa ibabang bahagi ng Sitio Boso-Boso.

Dito na nasawi ang 6 na tadtad ng bala ng baril sa katawan.

Narekober sa encounter site ang 46 na mga basyo ng bala.



Hindi pa alam ang kanilang pagkakakilanlan 6 at patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis.

Facebook Comments