6 na illegal POGO workers sa bansa, unang napa-deport ngayong hapon

Anim na Chinese illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers sa bansa ang paunang lilipad pabalik ng China ngayong araw.

Bahagi ito ng deportation effort ng pamahalaan sa mga Chinese na iligal na nagtatrabaho sa POGO companies sa bansa.

Mula sa kanilang detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig ay dinala sa NAIA 2 ang naturang mga Tsino para sa kanilang deportation pabalik ng China.


Sila ay sasakay sa Philippine Airlines flight PR 316 patungong Wuhan, China bago mag-alas-3:00 mamayang hapon.

Ngayong araw na ito ang simula ng deportation sa undocumented foreign nationals na nagtatrabaho sa ilang POGO companies sa bansa.

Personal din na tutungo sa NAIA mamaya si Justice Sec. Crispin Remulla para i-monitor ang deportation sa anim na Chinese.

Facebook Comments