Huli ang anim na indibidwal dahil sa pagbebenta ng overpriced alcohol at surgical gloves sa harap ng kinakaharap na krisis ng bansa dulot ng COVID-19.
Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Major Aristides Galang, dalawa ang nahuli sa entrapment operation sa Barangay Iyam, Lucena City kung saan nakuha sa kanila ang 12 gallons ng 3.5-liter alcohol na ibinebenta ng 780 pesos bawat isa.
Nahuli naman ang isang lalaki sa entrapment operation sa Tulip Drive, Barangay 76-A, Davao City kung saan nakumpiska sa kanya ang 150 bottles ng 100ml isopropyl alcohol at 20 boxes ng surgical gloves na nagkakahalaga ng 41,000 pesos.
Habang nahuli rin ang tatlong indibidwal sa entrapment operation sa Barangay Poblacion, Toledo City, Cebu kung saan nasamsam sa kanila ang 800 bottles ng 500ml ethyl alcohol na nagkakahalaga ng 136,000 pesos.
Sa ngayon nahaharap na sila sa kasong paglabag sa Price Act, Consumer Act of the Philippines, Anti-Panic at Bayanihan to Heal as One Act.