6 na indibidwal na naaresto nang isagawa ang raid sa tahanan ni Cong. Teves, nasampahan na ng reklamo ng CIDG

Nasampahan ng mga kaulangang reklamo ang mga tauhan ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnulfo “Arnie” Teves Jr., na nahuli matapos ang raid ng Criminal Investigation and Detective Group (CIDG) sa tahanan ni Cong. Teves.

Ayon kay CIDG Director BGen Romeo Caramat, reklamong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9516 o Law on Explosives ang isinampa laban kina Jose Pablo Gimarangan at Roland Aguisanda Pablio.

Habang paglabag sa RA 10591 naman ang isinampang reklamo laban kay Hannah Mae Sumerano na Secretary ni Cong. Teves, Heracleo Sangasin Oray, Rodolfo Teves Maturan, at Joseph Kyle Catab Maturan.


Nabatid na nandoon ang anim na akusado sa mga bahay ni Teves nang marekober sa kanila ang samu’t saring mga baril, bala at pampsabog.

Samantala, sinabi naman ni Caramat na sasampahan din nila ng reklamo si Congressman Arnolfo Teves Jr., ng paglabag sa RA 10591 at RA 9516 kahit wala ito sa bansa ng isinagawa ang raid.

Kakasuhan din sina Kurt Mathew Teves, at Axel Teves na mga anak ni Congressman Teves dahil sa paglabag sa RA 10591 at RA 9516.

Samantala, nasa kustodiya na ng CIDG-National Capital Region ang mga naarestong indibidwal.

Facebook Comments