6 na indibidwal sa Taguig City, arestado dahil sa pagsusugal; mga suspek, nahulihan din ng mga ilegal na droga at baril

Limang lalaki at isang babae ang naaresto sa isinagawang high-impact operation ng Sub-Station 10 Taguig City Police sa Barangay Rizal, Taguig City.

Ang anim na suspek ay nahuling nagsusugal.

Kaakibat dito, nahulihan din ang mga suspek ng isang .38 caliber revolver na baril at limang sachet ng shabu na may halagang aabot sa P209,440.


Haharap ang anim na suspek sa tatlong kaso; una ang Illegal Gambling, ikalawa ang Comprehensive Dangerous Drugs Act, at ikatlo ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation.

Nasa Station Drug Enforcement Unit ang anim na suspek at inihahanda na ang kasong isasampa sa kanila.

Facebook Comments