6 na istasyon ng PNR-Clark Phase 1 Project, sisimulan na ngayong linggo

Sisimulan na ngayong araw ang pagtatayo ng anim na istasyon ng Philippine National Railways Clark Phase 1.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), itatayo ang mga istasyon sa Solis, Tutuban sa Maynila, Caloocan, Valenzuela, Meycauayan, Marilao at Bocaue sa lalawigan ng Bulacan.

Na-i-award ang PNR Clark Phase 1 Project sa DMCI Holdings Inc.


Habang ang PNR Clark 2nd Phase na mula Bocaue hanggang Malolos, Bulacan ay na-i-award naman sa Sumitomo-Mitsui Construction Company Imited.

Inaasahang nasa 340,000 pasahero ang maseserbisyuhan nito kada araw at mapapa-iksi na rin sa 35 minuto ang travel time mula Maynila hanggang Bulacan.

Target na matapos ang proyekto sa 2021 at ng magiging karugtong nitong Calamba Project.

Facebook Comments