6 na kaso ng Post Traumatic Stress mula sa Marawi City, tinututukan ng DOH

Manila, Philippines – Bago matapos ang buwan ng Agosto, nasa 6 na pasyente mula sa Marawi City ang nasa tala ng Department of Health na nasa psychiatric ward ng hospital makaraang kakitaan ng sintomas ng Post Traumatic Stress Syndrome.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, apat sa mga ito ang bagong kaso lamang, ngunit umaaasa sila na mawawala rin ito.

Sa kasalukuyan ayon kay Ubial, higit 30 libo nang indibidwal ang sumailalim sa kanilang psychological debriefing.


Ayon sa kalihim, mula pa noong Day 1, ang mental health na ang isa sa mga tinututukan ng DOH dahil batid nila ang hirap ng sitwasyon sa lugar.

Nasa 200-300 pasyente aniya ang tinutugunan nila kada araw, para maagapan ang pagkakaroon ng psychological problem sa mga taga Marawi.

Ang Post Traumatic Stress, ay isang uri ng mental kondisyon na lumalabas tuwing nakararanas o nakakita ng isang nakakatakot o life threatening event ang isang indibidwal, na nawawala rin kapag nalapatan ng tamang tugon.

Ilan sa mga sintomas nito, ay ang pagka balisa, masasamang panaginip at paulit ulit na flashback sa pangyayari.

Facebook Comments