6 na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea, nilagdaan nina PBBM at South Korea President Yoon Suk Yeol

Pinagtibay pa ng Pilipinas at South Korea ang ugnayan nito sa pamamagitan ng paglagda sa ilang mga kasunduan sa bilateral meeting ng dalawang bansa ngayong araw.

Sa joint press statement sa Malacañang, iprinisenta ng dalawang bansa ang naselyuhang kasunduan sa:

1. Maritime Cooperation ng Philippine Coast Guard at Korea Coast Guard
2. Economic Innovation Partnership Program (EIPP)
3. Strategic Cooperation sa Critical Raw Material Supply Chains
4. Feasibility Study sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP)
5. Loan Agreement sa Samar Coastal Road II Project at Memorandum of Understanding sa Laguna Lakeshore Road Network Project Phase I (Stage I) sa Panay-Guimaras-Negros Island Bridges Project.
6. Implementation Program ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng Department of Tourism at the Ministry of Culture, Sports, and Tourism of the Republic of Korea para sa 2024-2029.


Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sa pamamagitan ng mga kasunduan ay lalawak pa ang relasyon ng dalawang bansa, partikular sa kooperasyon sa depensa, seguridad, maritime cooperation, kalakalan, at people-to-people exchanges.

Sinabi rin ni South Korean President Yoon Suk Yeol na ang kanyang pag-bisita ay magsisilbing oportunidad upang mapaigting pa ang kooperasyon sa kalakalan, ekonomiya, at gayundin sa seguridad, digital technology, at enerhiya.

Facebook Comments