6 na Katao, Timbog sa Magkakahiwalay na Operasyon sa Rehiyon 2!

*Cauayan City, Isabela- *Natimbog ang anim na indibidwal na nagtatago sa batas sa magkakahiwalay na Manhunt Charlie ng mga otoridad dito sa rehiyon dos.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang mga nadakip na sina Romeo Caliguiran ng PeƱablanca, Cagayan na may kasong Attempted Homicide, Abon Wasin ng Villaberde, Nueva Vizcaya na may kasong Serious Physical Injury, Rustituto Etrata ng Benito Soliven, Isabela na may kasong Child Abuse at si Alexander De Fiesta ng Diadi, Nueva Vizcaya na may kasong Direct Assault.

Kabilang din sa mga naaresto ay sina William Laud Mecate at Rebecca Dawagan Mecate na pawang mga residente ng Mallig, Isabela at may kasong Estafa.


Nadakip ang mga anim na suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ng korte at nakapiit na ang mga ito sa mga himpilan ng PNP na mahaharap sa kani-kanilang kaukulang kaso.

Facebook Comments