6 na Katao, Timbog sa Pagsusugal!

Cauayan City, Isabela- Naaresto sa magkahiwalay na lugar sa Isabela ang anim (6) na katao matapos matiklo sa paglalaro ng “Tong-its”.

Unang nahuli kahapon sa Brgy. Bungad, San Pablo, Isabela sina Romeo Allauigan, 48 anyos, Celia Porcincula, 54 anyos, at Marites Limtuaco, 38 anyos, na pawang mga residente ng nabanggit na barangay.

Ang mga suspek at nakumpiskang pera at baraha ay dinala sa himpilan ng PNP San Pablo para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.


Samantala, tiklo rin sa paglalaro ng ‘Tong-its’ sa Brgy. Nappaccu Pequeno, Reina Mercedes, Isabela sina Ismaelita Espiritu, 67 anyos, Ireneo De Luna, 48 anyos, at Vaneza Alvendia, 33 anyos, pawang mga residente ng Brgy. Nappaccu Pequeno, Reina Mercedes, Isabela.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang set ng baraha, pera, tatlong mono block na upuan at lamesa.

Dinala rin sa himpilan ng PNP Reina Mercedes ang tatlong nahuli para sa kaukulang dokumentasyon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-illegal Gambling Act ang anim na naaresto.

Facebook Comments