6 na lalawigan, direktang bibili ng palay sa mga magsasaka

Direktang bibili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka ang anim na lalawigan.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar – inimbitahan nila ang top 30 rice-producing provinces na makilahok sa pagbibili ng palay lalo na at simula na ang harvest season ngayong buwan hanggang Oktubre.

Kabilang sa mga bibili ng palay ay mga lalawigan ng Isabela, Nueva Ecija, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan at ibebenta ang mga ito sa mga siyudad sa Metro Manila.


Sa mga iba pang lalawigan na hindi kayang pondohan ang kanilang procurement ay maaaring humiram sa Landbank o sa Development Bank of the Philippines (DBP).

Maaari ring magbigay ng internal revenue allotments bilang pledge ang mga lokal na pamahalaan.

Babantayan ng Department of Agriculture (DA) regional offices ang aktibidad.

Facebook Comments