Itinuturing ng OCTA Research Group bilang “areas of concern” ang mga lungsod ng Davao, Iloilo, General Santos, Cagayan de Oro, Baguio, at Tagum dahil sa pagtaas ng COVID-19 trend.
Ibinase ito ng grupo sa reproduction number, Average Daily Attack Rate (ADAR), Intensive Care Unit (ICU) occupancy rate at positivity rate.
Ang Davao City ay nakapagtala ng -26% growth rate at average 241 daily new COVID-19 cases mula Hulyo 2 hanggang 8.
Ang kanilang reproduction number ay nasa 1; ADAR na may 13.26 cases per 100,000 population at positivity rate na 15%.
Nasa 95% naman ang ICU utilization rate sa Davao City; 94% sa Iloilo City; 83% sa Cagayan de Oro; 73% sa General Santos City at Baguio City at 79% sa Tagum.
Ang positivity rate sa General Santos City ay nasa 30%; sa Tagum na nasa 21%; Butuan na may 22%.
Ang Metro Manila naman ay may averaged 636 daily new cases mula Hulyo 2 hanggang 8 na 7% mas mababa noong nakaraang linggo.
Ang reproduction number sa Metro Manila ay sa 0.85; ADAR na nasa 4.61 cases per 100,000 population, ICU occupancy rate na nasa 43% at positivity rate na 6%.