6 na mag-aaral na sangkot sa pagpapakalat ng malalaswang litrato ng kanilang kaklase, hindi pinag-martsa

Hindi pinayagan magmartsa sa kanilang graduation ang anim estduyante ng Philippine Science High School matapos ipakalat ang malalaswang litrato at video ng kanilang mga babaeng kaeskwela.

Kasunod ito ng pagprotesta ng ilang magulang at estudyante, maging ng ilang netizens sa naunang desisyon ng board of trustees ng paaralan na patapusin ang mga sangkot na estudyante.

Ayon kay Lilia Habacon, Executive Director ng Philippine Science High School, makukuha ng tatlong estudyante ang kanilang mga diploma, habang certificate of completion lamang ang makukuha ng tatlong iba pa.


Pero bago makuha ang mga ito ay may mga alituntunin pa aniya silang dapat sundan.

Itinanggi naman ni Habacon na na-pressure lamang sila sa desisyon dahil sa mga protesta.

Kasabay nito, nanawagan ang board ng Philippine Science High School sa mga magulang at estudyante na huwag matakot o magdalawang-isip na isumbong sa kanila kung may alam o nabiktima sa katulad na gawain at pang-aabuso.

Facebook Comments