6 na malalaking bansa, pursigidong kumuha ng malaking bilang ng Pinoy nurses

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na anim na malalaking bansa ang pursigidong nakikipag-usap ngayon sa kanila para sa pagkuha ng Filipino nurses.

Kabilang dito ang United States (US), Saudi Arabia, Austria, Singapore, Japan at Germany.

Ayon sa DMW, nakikipag-usap na sa kanila ang ambassador ng naturang mga bansa.


Anila, malaking bilang ng Pinoy nurses ang kakailangan nang nasabing mga bansa.

Bunga nito, iginiit ng DMW na taasan ng pamahalaan ang sweldo at benepisyo ng Pinoy nurses para hindi sila mapilitang mangibang-bansa.

Facebook Comments