6 na Maute Members sumuko sa Lanao Del Sur

Anim na mga sinasabing myembro ng Maute/ISIS ang sumuko sa gobyerno sa bahagi ng Dumalundong Lanao Del Sur.
Sa report na ipinarating sa DXMY ni PSI Jemar Delos Santos tagapagsalita ng PRO ARMM, kinilala nito ang mga nagbalik loob na mga myembro ng Maute na sina Kazanudin Hadhi Razul, Hizam Imran, Salic Musa Mangao, Taybo Abaser Kande, Songra Hadji Razul at Nader Musa Mngao, lahat ay residente ng Sumalindao Dumalondong Lanao Del Sur.
Kabilang sa mga isinuko ng mga ito ang 3 m79, isang Caliber 50 Barret at isang Carbine.
Agad namang dinala sa AFP Headquarters sa Butig ang mga sumukong Maute Members.
Patuloy pa rin ang apela ng PRO ARMM sa lahat ng mga myembro ng mga bandido na hindi pa huli ang lahat para magbalik loob sa gobyerno

Facebook Comments