6 na Menor de Edad, Huli sa Curfew Hour sa kabila ng umiiral na ECQ

89

*Cauayan City, Isabela*- Nahuli ang anim (6) na menor de edad sa paglabag sa ipinapatupad na curfew hour sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine dahil sa banta ng COVID-19 pasado 7:00 ngayong umaga sa kahabaan ng Brgy. Lingaling, Tumauini, Isabela.

Nakilala ang mga lumabag na sina Jhon Mark Laman, 18 anyos, isang Grade 12 student at ang anim (6) na iba pa na kapwa mga residente ng Brgy. San mateo, Tumauini, Isabela.


Ayon sa imbestigasyon ng Tumauini Police Station, nagpapatrolya ang mga awtoridad sa kabila ng kanilang ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine ng maaktuhan na nagkalat sa lansangan ang mga ito kaya’t agad silang dinakip.

Inaasahan namang haharap sa pulisya ang mga magulang ng mga menor de edad para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments