Anim na Pilipinong nabiktima ng human trafficking sa Myanmar ang dumulog sa Department of Justice (DOJ).
Ito ay para maghain ng reklamo laban sa kanilang recruiters sa Pilipinas.
Ang mga biktima ay humarap kanina sa prosecutor sa DOJ.
Sila ay sinamahan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center.
Una nang nabunyag na ilan sa mga biktima ng human trafficking ay pinangakuan ng trabaho sa call center sa Myanmar subalit pagdating doon, sila ay pinasok sa online scamming activity kung saan ilan sa kanila ay nakulong pa roon.
Facebook Comments