6 na mga terorista patay sa military at police operations

Napatay ng tropa ng 4th Special Action Battalion ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force at ng 5th Special Forces Battalion ng Philippine Army ang sub-leader ng Dawlah Islamiyah.

Ito ay matapos na manlaban sa mga pulis at sundalo nang ito ay arestuhin sa Purok 6, Barangay Koronadal Proper, Polomolok, South Cotabato kaninang madaling araw.

Ayon kay Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., ang napatay na terorista ay kinilalang si Arafat Bulacon alyas Maula.


Isisilbi lang sana ng mga pulis at sundalo ang warrant of arrest ng suspek dahil sa kasong pagpatay pero sa halip na sumuko ay nanlaban ito sa tropa ng gobyerno.

Dahil dito, nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng Dawlah Islamiya sub-leader.

Nakuha sa pag-iingat nito ang ilang mga armas, pampasabog at isang ISIS flag.

Si Bulacon ay umano’y isa sa responsable sa nangyaring pagsabog noong 2018 sa General Santos City at sangkot sa iba’t ibang criminal activities sa South Cotabato.

Bukod kay Bulacon, nasawi rin ang lima pa nitong kasamahan habang dalawang miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) ang sugatan.

Facebook Comments