Manila, Philippines – Naaresto ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group ang anim na miyembro ng Loan Shark Syndicate matapos ang ginawang pagdukot sa tatlong banyaga.
Kinilala ang mga suspek sina Ernesto Agsulid, Marella, 55 anyos may-ari ng safehouse na matatagpuan sa isang subdivision sa sta Cruz Guiguinto Bulacan, Alexander Roxas Dionisio alyas JR 30 anyos, Jomar Ramos Dela Pena alyas Jao, 29 anyos at Raymond Dela Pena De Guzman alyas Edmond, Ferdie Adriano Dionisio alyas 32 anyos mga taga Balanga Bataan at Florida Adriano Dionisio 34 anyos residente ng Sta Cruz Guiguinto Bulacan.
Ayon kay AKG Chief, Sr. Supt. Glen Dumlao naaresto ang anim na ito matapos na makipag-ugnayan sa kanila ang korean embassy na humihingi ng tulong para mailigtas ang korean kidnap victim na si Yeum Sunki na dinukot ng mga miyembro ng sindikato noong October 16, 2017.
Pero nang ikasa ng PNP AKG ang rescue operation ay nagulat sila ng makuha sa safe house ang dalawa pang banyagang kidnap victim na sina Liu Xia Chinese National na dinukot noong Sept 15, 2017 at Park Panhao Korean National na dinukot noong October 12.
Sinabi ni Dumlao na ang modus ng grupo ay pauutangin ang mga nagkaka-casino ngunit kapag hindi na makapagbayad ng utang na aabot sa halang 600 hanggang 100 libong piso ay dudukutin ang mga ito at hihingi ng ransom sa pamilya ng mga kidnap victim.
Sa ngayon sasampahan na ng kasong kidnapping for ransom and serious illegal detention ang mga suspek.