6 na nasawi dahil sa dengue sa Davao region, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng anim na nasawi dahil sa dengue sa Davao region simula Enero hanggang Abril 2022.

Base sa datos ng DOH, tatlo sa mga nasawi ay mula sa Davao del Sur at tig-isa naman sa Davao City, Davao del Norte, at Davao Occidental.

Sa kasalukuyan ay nasa 1,308 na ang dengue cases sa rehiyon kung saan mas mataas ito 1,255 na kaso mula Enero hanggang Abril 2021.


Ayon kay DOH 11 Assistant Regional Director Dr. Gerna Manatad, patuloy na tinututukan ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit at ng mga lokal na pamahalaan ang mga barangay na may mataas na kaso ng dengue.

Hinimok naman ng DOH Region11 ang publiko na Palaging linisin ang kapaligiran at itapon ang maduduming tubig na maaaring maging breeding site ng mga lamok.

Facebook Comments