
Sumuko na sa mga awtoridad ang 6 na natitirang pulis na suspek umano sa pagnanakaw at paggagahasa sa grade 9 na estudyante sa Cavite.
Matatandaan na nasa kabuuang 14 na pulis ang sangkot umano sa nasabing isyu at nauna nang sumuko ang 8 dito.
Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ni Philippine National Police (PNP) acting Chief PltGen. Jose Melencio Nartatez Jr., na hawak na nila ang 6 na natitirang at large na suspek na mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon naman kay PDEG Director Police Col. Elmer Ragay na sa 14 na mga sangkot ay 1 lamang dito ang nakasuhan ng rape kung saan ito ang team leader na may ranggong lieutenant colonel.
Ayon pa kay Ragay, ang mga nasabing sangkot na pulis ay na-relieve na sa pwesto at naka-detain na rin sa Headquarters Support Service sa Kampo Krame.
Matatandaan na ang babaeng biktima ay nobya ng lalaking subject ng mga nasabing police personnel ng PDEG sa operasyon patungkol sa iligal na droga at tinuturing na isang high value individual.
Nang hindi makita ang hinahanap nilang subject ay tinanggay raw umano ng mga nasabing pulis ang motor at cellphone ng babaeng biktima tsaka ginawa ang nasabing panghahalay.









