6 NA PANALO, NAITALA NA NG MGA BATANG PANGASINENSENG KALAHOK SA 2022 BATANG PINOY SA ILOCOS SUR

Dalawang araw pa lang, nasungkit na ng mga batang Pinoy na mula sa Pangasinan ang anim na panalo sa loob pa lamang ng dalawang araw ng patimpalak sa Ilocos Sur.
Sa naturang palaro, tatlong panalo na ang Pangasinan sa Table Tennis elimination rounds ng Batang Pinoy 2022 sa San Vicente, Ilocos Sur kung saan wagi ang batang Pinoy na Pangasinense na si Ridge Pontawe sa score na 2-0 sa kalaban nitong mula sa Koronadal City.
Nagwagi rin sa patimpalak ang anim na taong gulang na si Lawrence Ducusin mula sa katunggali nitong mula sa Cagayan de Oro sa score na 2-0.

Nakuha rin ni Kloe Venice Cascola ang score na 2-0 laban sa Davao City at Tanauan City, Batangas. Sa score na 2-0, nanguna si Riyana Balisacan mula sa mga kalaban nitong galing Zamboanga City at Kabankalan City.
Samantala, tatlong panalo na rin sa larong badminton ang nasungkit ng Pangasinan kung saan sa ages 10-12 girls singles category ay nakuha na ni Kwensy Mae Sinen ang panalo laban sa katunggali nitong mula sa Baguio City.
Sa boys doubles category, naisahan ng magkapatid na Kyth Mj at Mike Nigel Sinen ang kanilang kalaban mula sa Lipa City sa score na 2-0.
Panalo rin sa girls doubles category sina Karen Garcia at Biene Azurin sa score na 2-0 sa kalaban nilang mula sa Tacurong City.
Nanawagan ang mga atleta na sana, ipagdasal at suportahan ang kanilang laro upang sila ay makapagbigay ng parangal sa lalawigan ng Pangasinan.
Ang nasabing palaro ay nag-umpisa noong araw ng Biyernes ika-16 ng Disyembre at magtatagal ng hanggang ika-22 ng buwan ngayong taon. | ifmnews
Facebook Comments