Anim na panibagong kaso ng COVID-19 UK variant ang naitala ng Department of Health (DOH).
Kabilang dito ang 46-anyos na ginang na taga-Pasay City na ina ng isang empleyado ng MRT-3 na una na ring nagpositibo sa COVID-19.
Kinumpirma ng DOH na positibo siya sa UK variant matapos na magpa-test noong January 25.
Nagpositibo rin sa UK variant ang isang 20-year old na babae mula Mt. Province; 25-year old na babae mula Dasmariñas, Cavite at 49-year old na lalaki mula sa lalawigan ng Rizal.
Gayundin ang 47-year old na babae na taga-Las Piñas at balikbayan mula sa Morocco at 37-year old na lalaki mula Bukidnon na pinaniniwalaang nahawa habang nagte-training dito sa Metro Manila.
Hinikayat naman ng DOH ang mga lokal na pamahalan na higpitan pa ang pagpapatupad ng health protocols para maiwasan ang pagkalat ng virus.