Pasok ang anim na Pilipinong kumpanya sa Global 2000 list ng Forbes ngayong taon.
Ito ay ang taunang ranking ng mga pinakamalaki, pinakamakapangyarihan at pinakamayamang kumpanya sa buong mundo.
Ang Philippine companies na pumasok ay:
BDO Unibak – rank: 1,018
SM Investments Corp. – rank: 1,092
Top Frontier Investment Holdings – rank: 1,196
Ayala Corporation – rank: 1,236
Metro Bank – rank: 1,639
JG Summit Holdings Inc. – rank: 1,720
Ang rankings ay ibinase sa pag-analisa sa apat na metriko: sales; profits; assets at market value.
Sa ikapitong sunod na taon, nananatiling nangunguna sa listahan ang Industrial & Commercial Bank of China.