6 na Pinoy Paralympians, nakatanggap na tig-₱1-M mula sa Office of the President

Tulad ng mga naunang Filipino olympians, binigyang parangal din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang anim na Pinoy Paralympians na sumabak sa Paris Games 2024.

Nakatanggap ng tig-₱1-M mula sa Office of the President ang archer na si Agustina Bantiloc, taekwondo jin Allain Ganapin, wheelchair racer Jerrold Mangliwan, javelin thrower Cendy Asusano, at ang swimmers na sina Angel Mae Otom at Ernie Gawilan.

Bukod sa cash incentives, nakatanggap din sila ng Presidential Citations mula sa pangulo.


Present din sa pagbibigay parangal ang pamilya ng Paralympians.

Wala mang naiuwing medalya, proud pa rin ang mga Pilipino sa husay na pinamalas ng Paralympians sa Paris Games 2024.

Facebook Comments