6 na Pinoy sa France, nasawi dahil sa COVID-19

Ini-ulat ni Philippine Ambassador to France Ma. Theresa Lazaro na umaabot na sa 11 Filipino sa France ang tinamaan ng Coronavirus disease (COVID-19).

Sa nasabing bilang 6 dito ang nasawi habang ang iba ay unti-unti nang bumubuti ang pakiramdam.

Nabatid na sa buong mundo nasa ikalimang pwesto ang France sa mayroong pinaka maraming kaso ng COVID-19 o 131,300 confirmed cases habang nasa 15,700 na ang nasasawi


Sinabi pa ni Ambassador Lazaro na kapareho lang din halos ng sitwasyon ang Pilipinas at France kung saan halos ngayon lamang dumadating at nagkaroon ng mga PPE, face mask at iba pang medical supplies.

Sa datos ng embahada mayruong humigit kumulang 25,000 Filipino sa France kung saan karamihan sa kanila ay pawang mga professionals, service staff at iba pa.

Facebook Comments