
Kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na police officers sa Nueva Vizcaya dahil sa sinasabing pagtatanim ng ebidensya.
Kinilala ang mga kinasuhan na sina PMaj. Santy C. Ventura, PMsgt. Odra Noel R. Afalla, PCpl. Jeff Lloyd N. Apangchan, PCpl. Randy T. Agdeppa, Pat. John Michael C. Tanguilan, at Police Officer Frederick Mariano.
Nag-ugat ito sa pagkakabasura ng kaso laban kay Freddie Mallari na sinasabing biktima ng pagtatanim ng ebidensyang baril ng mga pulis sa crime scene.
Kasong paglabag sa Section 38 ng Republic Act No. 10591 o Planting of Evidence ang isinampa ng NBI sa Provincial Prosecutor ng Nueva Vizcaya.
Facebook Comments









