
Inatasan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang Inspection, Monitoring, and Investigation Service (IMIS) na magsagawa ng parallel at independent investigation sa anim na pulis ng Manila Police District na sangkot sa kaso ng robbery sa Makati City.
Ayon kay NAPOLCOM Chairperson Ralph Calinisan, layon nito na madetermina kung may sapat na batayan upang maharap sa kasong administratibo at kriminal ang mga sangkot na pulis.
Aniya, nakababahala na malaman na may mga pulis na sa halip na protektahan ang mamamayan ay sila pa ang umabuso sa kapangyarihan.
Ani Calinisan, ang inasal ng mga naturang pulis ay gross betrayal of public trust at direktang paglapastangan sa integridad ng Philippine National Police (PNP).
Tiniyak ng NAPOLCOM na walang special treatment sa mga mga sangkot na pulis.










