6 na PWDs sa ARMM, nakatanggap ng customized wheelchairs!

Mula sa Department of Health-ARMM, Physicians for Peace at Latter-Day Saints Charities ang customized wheelchairs na ipinamahagi sa 6 na persons with disabilities (PWDs) mula sa mga bayan ng Parang at Sultan Mastura sa Maguindanao.
Sinabi ni Luthfia Concon Adil, assistant program coordinator ng health and wellness program for PWDs ng DOH-ARMM na ang wheelchairs ay custom-fitted base sa tangkad at laki ng beneficiaries.
Ang mga benepisyaryo ay napili matapos na sila’y matukoy ng social workers na idineploy sa naturang mga bayan, ayon pa kay Adil.
Ang national health program for PWDs ng DOH ay base sa Republic Act No. 7277 o kilala ring Magna Carta for PWDs.
Batay sa opisyal na datos ng ARMM, abot sa 35,000 o 1.07% ng populasyon sa rehiyon ay may iba’t-ibang uri ng kapansanan.(photo credit:bpiarmm)

Facebook Comments