Maaari nang tumanggap ng mga COVID-19 patient ang anim na quarantine facilities na naitatag sa Metro Manila, Pampanga, at Tarlac.
Ayon sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA), ang anim na mga gusaling ito ay kayang tumanggap ng 1,500 pasyenteng may mild o walang sintomas ng COVID-19.
Anila, lahat ng COVID-19 facilities ay may air-conditioned cubicles, plug-in outlets, may libreng pagkain at internet connection.
Kabilang sa nasabing quarantine facilities ang Ninoy Aquino Stadium and Rizal Memorial Stadium sa Rizal Memorial Sports Complex, Philippine International Convention Center Forum Halls at World Trade Center sa National Capital Region; sa ASEAN Convention Center sa Clark, Pampanga; at sa National Government Administrative Center sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
Inaasahan naman na sa mga susunod na araw ay magagamit na ring Qurantine facilities ang Philippine Arena sa Bulacan, Philsports Arena o Ultra sa Pasig, at Filinvest Tent sa Alabang.