6 na rehiyon sa bansa, nakapagtala ng bahagyang pagtaas sa kaso ng COVID-19

Kinumpirma ng DOH na anim na rehiyon sa bansa ang nakapagtala ng bahagyang pagtaas sa kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, kabilang dito ang Region 4-B, Region 5 at Region 8 na nakapagtala ng 2-week growth rate sa nakalipas na dalawang linggo.

Bahagya ring tumaas ang kaso ng infection sa Cordillera Administrative Region, Region 2 at Region 7 sa nakalipas na linggo.


Nilinaw naman ni Vergeire na sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga nabanggit na rehiyon ay wala namang naoospital.

Wala rin aniyang naitalang severe at critical cases sa nakalipas na linggo at nasa 97% ng aktibong kaso ay mild lamang.

Kinumpirma rin ni Vergeire na bahagya ring tumaas ang kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa NCR tulad ng Las Piñas, Quezon City, Mandaluyong, Muntinlupa at Makati.

Ninilaw naman ng DOH na wala silang nakikitang COVID surge sa ngayon.

Facebook Comments