Basilan – Patay ang anim na sundalo habang apat ang sugatan sa nangyaring sagupaan lalawigan ng Basilan.
Ito ang kinumpima ni Western Mindanao Command Spokesperson Captain Jo-ann Petinglay.
Aniya nagsagawa ng strike operation ang tropa ng 18th infantry Battalion ng sa Barangay Upper Cabengbeng, Sumisip, Basilan kahapon ng tanghali.
Naging target ng operasyon ang grupo Abu Sayyaf sa ilalim ng pamumuno ni Siar Alhamsirol at Parong Tedi.
Nagsagawa rin ng close air support ang Philippine Air Force sa nangyayaring sagupaan.
Nagtagal ang sagupaan ng apat na oras na nagresulta sa pagkamatay ng 6 na sundalo at pagkasugat ng apat pa.
Habang hindi matukoy ng militar kung ilan ang napatay sa panig ng mga kalaban.
Ang bangkay ng apat na sundalo ay dinala na sa Joint Task Force Basilan sa Zamboanga City habang ang dalawang bangkay ay iniwan sa kanilang pamilya sa Basilan.
Patuloy namang ginagamot sa Camp Navarro General Hospital ang mga sugatang sundalo.