6 na sundalo, sugatan matapos sumabog ang isang landmine

North Cotabato – Sugatan ang anim na sundalo matapos na sumabog ang isang landmine sa Magpet, North Cotabato.

Kinilala ang mga biktima na sina 2nd Lieutenant Rustine Barco, Corporal Ronie Gutierez, Corporal Roldan Parcon, Corporal Shanon Obaldo, Private Rolando Bublao at Private Dennis Andol na pawang mga miyembro ng medical team ng 19th Infantry Battalion.

Sa ulat, sumabog ang landmine na inilagay ng mga New People’s Army (NPA) sa tulay sa bahagi ng Barangay Doles ng nasabing bayan.


Nabatid na kasabay ng mga sundalo ang mga tauhan ng provincial government matapos na magsagawa ng medical at dental mission sa Barangay Binay nang sumabog ang landmine.

Wala namang naiulat na nasaktan sa mga tauhan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) dahil nauna na ang mga ito mula sa convoy ng militar habang kasalukuyan nang nagpapagaling ang mga sugatang sundalo sa ospital.

Facebook Comments