Kasalukuyan ngayong nakapiit sa lock up cell ng PNP Cauayan ang anim na mga suspek na kinilalang sina Arwin Jay Diciol, Robic Cuntapay, parehong 19 anyos, Jetroval Rivera, 23 yrs old, Aloysius Lumauig, 24 yrs old, Oliver Carriedo, 20 yrs old at John Vincent Calzada, 23 yrs old at pawang mga residente ng Lungsod ng Cauayan.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLT Scarlette Topinio, tagapagsalita ng PNP Cauayan, dakong ala una ng madaling araw kahapon nang maganap ang insidente na kung saan lumabas sa kanilang imbestigasyon na magkasunod na nag order ng lugaw ang mga suspek at biktima na kinilalang sina John Mark Buan, disi nuebe anyos, residente ng Nagassican, Santiago City at Roel Sawit, disi otso anyos, parehong carwash boy at residente naman ng Rivera St. ng brgy. District 2.
Habang kumakain ang mga biktima at suspek ay nagka-korsonadahan umano ang ito kaya agad na umalis sa lugawan ang mga biktima pero pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik ang mga ito at may dala-dala ng steel pipe o tubo at hawak nang mga bato.
Hinamon umano ng mga biktima ang grupo ng mga suspek haggang sa tuluyan na silang nagkagitgitan. Sa nangyaring rambulan, nagtamo ng sugat sa ibabang bahagi ng dibdib ang biktimang si Buan habang nasugatan rin sa likod ang biktimang si Sawit.
Naisugod pa sa pagamutan ang dalawang biktima subalit binawian din ng buhay si Buan dahil na rin sa dami ng dugo na lumabas na sa kanyang katawan.
Ayon pa sa tagapagsalita ng pulisya, hinihinalang nakainom ng alak ang mga suspek at biktima nang silay magkagirian Sa kasalukuyan, patuloy pa ang kanilang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nangyaring krimen na kung saan ay nagrequest na ng CCTV Footages ang mga imbestigador para sa karagdagang ebidensya na gagamitin laban sa mga suspek.
Payo naman ni Plt Topinio sa mga kabataang Cauayeño lalo na sa mfa mahilig gumala sa gabi na iwasan na lamang lumabas ng bahay kung hindi naman importante ang gagawin at huwag din mag inom ng anumang nakalalasing na inumin kapag nasa ibang lugar upang maiwasan ang kaparehong insidente.