6 na suspek sa Batocabe slay case, nasa kustodiya na ng PNP

Hawak na rin ng Philippine National Police (PNP) ang mga litrato ng anim na suspek na patunay na nasa lugar sila noong pinatay si Ako Bicol Representative Rodel Batocabe.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Superintendent Benigno Durana Jr., matibay na ebidensya rin ang extrajudicial confession ng mga suspek kung saan umaamin sila sa krimen sa harap ng kanilang mga pulis at kanilang abugado.

Sinabi naman ni Durana na hindi pa nila matukoy kung sino ang makakatanggap ng 50 milyong pisong pabuya para sa pagkakalutas ng kaso.


Facebook Comments