Iniharap ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang anim na sumukong suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ang mga suspek ay dating sundalo na sinasabing kasama sa grupong umatake sa bahay ng gobernador noong Marso 4.
Unang sumuko noong Biyernes ang isa sa mga ito habang ang apat na iba pa ay sumuko sa militar noong Lunes.
Kinumpirma naman ni Justice Secretary Crispin Remulla na may isa pang panibagong suspek na sumuko na kasama sa inquest.
Wala pang detalye ang kalihim ukol sa katauhan ng bagong sumukong suspek.
Inaasahang sasampahan ng mga reklamong murder, attempted murder at frustrated murder ang mga suspek.
Facebook Comments