6 na suspek sa pagkamatay sa hazing ng engineering student, mananatili sa kustodiya ng Biñan Police

Mananatili muna sa kustodiya mg Biñan Police ang 6 na suspek sa pagkamatay sa hazing rites ng engineering student na si John Matthew Salilig.

Maging ang sumukong master initiator ay mananatili rin muna sa kustodiya ng pulisya sa Biñan, Laguna.

Ang anim na suspek ay tuluyan nang sinampahan ng reklamo sa Department of Justice (DOJ).


Kasong paglabag sa RA 8049 O Anti-Hazing Law ang isinampa laban sa anim, habang kasong Obstruction of Justice ang isinampang reklamo laban sa ama ng isa sa mga suspek.

Kabilang sa mga sinampahan ng reklamong paglabag sa Anti-Hazing Law sina Earl Anthony Romero, Tung Cheng Teng Jr., Jerome Balot, Sandro Victorino, Michael Lambert Ritalde at Mark Pedrosa.

Lumagda sa waiver ang respondents bilang karapatan nila na sumailalim sa preliminary investigation.

Nangangahulugan ito na hindi sila makakapagpiyansa habang sumasailalim sa preliminary investigation sa DOJ Panel of Prosecutors.

Facebook Comments